TULAK UMANO NG ILIGAL NG DROGA, SAKOTE SA ISINAGAWANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

TULAK UMANO NG ILIGAL NG DROGA, SAKOTE SA ISINAGAWANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

 Nitong Nobyembre 20, 2023 dakong alas 10:06 ng gabi, isang suspek na tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng mga kapulisan ng Paracale MPS, RPDEU, PPDEU, at CNPIU na may kaukulang sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

 Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “BEN,” 40 taong gulang, binata, isang minero at residente ng Purok 5, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 6,800.00.

 Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO