Ala 1:10 nitong madaling araw, Agosto 1, 2024 nang maaresto ng kapulisan ng Daet MPS ang isang lalaki na may warrant of arrest sa Purok 3, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ito na si alyas “JUN-JUN”, 42 anyos, binata at residente ng Purok 3, Barangay IV, Daet, Camarines Norte. Inihain sa akusado ang warrant of arrest para sa kasong Two (2) counts of ATTEMPTED MURDER na may piyansang nagkakahalagang Php 120,000.00 kada kaso.
Agad namang ipinaalam ang kaniyang karapatan bilang akusado at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa usaping medikal. Ang nasabing arestado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Daet MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO

