Gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang Department of Agriculture (DA) upang maiwasan ang posibleng egg shortage at pagtaas ng presyo nito sa buong bansa sa darating na Abril.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng itlog sa mga darating na buwan ng Abril. Ang tinitingnan na dahilan ng nasabing kakulangan ng suplay ay bunga ng “over supply” ng itlog nitong nakaraang taon, at ng pagbaba ng presyo na umabot sa nasa ₱4.00 kada piraso. Kung kayat napilitan ang ibang nagmamay-ari ng poultry na katayin at ibenta ang mga inahing manok upang maiwasan ang labis na pagkalugi.
Inirekominda rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na isa sa mga makakatulong kung susuportahan ng gobyerno ang industriya ng pagmamanok upang mas mapadali ang pag-aangkat ng mga bagong nangingitlog na manok.