Matagumpay na naisagawa ang isang buy-bust operation ng pinangunahan ng PDEA Camarines Norte, katuwang ang Paracale MPS, CN PDEU, CN PIU, at CN 2nd PMFC. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto sa tatlong indibidwal sa Purok 6, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.
Ang operasyon laban sa ilegal na droga ay isinagawa bandang 3:30 ng hapon nitong Marso 5, 2025. Naaresto ang tatlong suspek matapos makabili ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na umaktong poseur buyer mula sa tagapangasiwa ng drug den.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas “MON”, 37 taong gulang, alyas “Don”, 37 taong gulang, at alyas RAY”, 34 taong gulang, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Nakumpiska sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng ilegal na droga. Ang imbentaryo at pagmarka ng mga ebidensya ay isinagawa sa harap ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media bilang mga mandatory witnesses.
Samantala, ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ngayon ng PDEA CAMARINES NORTE Provincial Office para sa karampatang disposisyon.

Source: CNPPO PIO