Matagumpay na naisagawa ng Paracale Municipal Police Station (MPS), sa pakikipagtulungan ng 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC), ang isang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang wanted na indibidwal. Ang operasyon ay isinagawa dakong alas-10:00 ng umaga noong Abril 7, 2025 sa Purok Maligaya, Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte.
Naaresto si alyas “Mario,” 30 taong gulang, binata, isang gold panner, at residente ng Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte. Siya ay may kinahaharap na kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” alinsunod sa Criminal Case No. 19330.
Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inilabas ni Hon. Raymund Joseph M. Sorongon, Assisting Judge ng RTC Branch 40 sa Daet, Camarines Norte noong Disyembre 3, 2021. Ito ay may nakatakdang piyansa na nagkakahalaga ng Php 80,000.00.
Kaagad na ipinaalam kay alyas “Mario” ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at siya ngayon ay nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.

Source: CNPPO PIO