ALBAY 1ST DISTRICT REPRESENTATIVE EDCEL LAGMAN PUMANAW NA SA EDAD NA 82! 

ALBAY 1ST DISTRICT REPRESENTATIVE EDCEL LAGMAN PUMANAW NA SA EDAD NA 82! 

Pumanaw na si Albay 1st District Representative Edcel Lagman noong Huwebes, Enero 30, 2025 sa edad na 82, dahil sa cardiac arrest. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman.

Dagdag pa nito, pumanaw ang kanyang ama na napapaligiran ng kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Unang nanungkulan si Lagman bilang Albay representative sa loob ng walong (8) termino. Mula 1987- 1998 at 2004-2013 at 2016 hanggang sa kasalukuyan. 

Ilan sa mga batas na iniakda ni Lagmay ay ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law, Comprehensive Agrarian Reform Law, Compensation to Martial Law Victims, Anti-Torture Act, at ang batas na nag-abolish ng death penalty sa bansa. Siya rin ang principal authors ng kontrobersyal na Absolute Divorce Bill.