BULKANG MAYON, SUNOD-SUNOD ANG ROCK FALL EVENT KANINANG UMAGA

BULKANG MAYON, SUNOD-SUNOD ANG ROCK FALL EVENT KANINANG UMAGA

Nagulantang ang mga residente malapit sa paanan ng bulkan Mayon kaninang umaga, Hunyo 8, matapos ang sunod-sunod na rock fall events ng bulkan bandang alas-6 ng umaga hanggang alas- 6:30 ng umaga.

Ayon kay Dr. Paul Alanis, PHIVOLCS resident volcanologist, hindi phreatic explosion ang naganap kundi rock fall events ang nakita at naramdaman ng mga residente malapit sa bulkan. Dagdag nito na nadoble rin diumano ang rock fall events sa nakalipas na 24 oras. Umabot umano ito sa 90 rock fall events kaninang alas-5 ng umaga kumpara kahapon na 46 rock fall events na naitala ng PHIVOLCS.

Nananaliti paring nasa Alert level 2 ang Bulkang Mayon, kaya naman mahigpit pa ring pinapayuhan ang lahat na huwag pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.

Photos: Paulo Barandon/Bicoldotph