BINATA, PATAY NANG MAKURYENTE HABANG NAGPUPUTOL NG PUNO SA BAYAN NG DAET

608-daet-map

Daet, Camarines Norte (Oktubre 5, 2016) – Dead on arrival sa Santisima Trinidad Hospital ang isang binata makaraang makuryente ito nitong Oktubre 4, 2016 bandang alas-8:30 ng umaga.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station, nagpuputol ng puno ng Malunggay sa Orcine Residence ang biktimang si Jayson Navea y Terreble, 21 taong gulang, binata, at residente ng Purok 1, Brgy Camambugan, Daet, Camarines Norte nang aksidenteng dumikit ang puno sa linya ng kuryente ng Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) dahilan upang ito ay mawalan ng malay.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kasalukuyan nang nasa isang punerarya sa bayan ng Daet ang labi ng biktima.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga magpuputol o aakyat ng puno na tignan muna kung may malapit na kawad ng kuryente upang makaiwas sa disgrasya.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *