LALAKI, SAKOTE SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGAL NA DROGA

LALAKI, SAKOTE SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGAL NA DROGA

Nito lang ika-23 ng Abril 2024, dakong alas 9:40 ng gabi, isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Paracale MPS, katuwang ang mga tauhan ng CNPDEU, 2nd PMFC at RPDEU na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV sa Purok Kamagong, Barangay Poblacion, Paracale, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si Alyas “MAR,” 36 anyos, may kinakasama at residente ng Purok Kamagong, Barangay Poblacion, Paracale, Camarines Norte. Nakumpiska naman sa operasyon ang di pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga.

Ang nasabing personahe, kabilang na ang nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO