NUMBER 10 MOST WANTED PERSON NG VINZONS MPS, ARESTADO SA KASONG QUALIFIED RAPE!

vinzonsmap608

Mayo 9, 2017, Vinzons, Camarines Norte – Arestado ang ika-10 sa listahan ng most wanted persons ng Vinzons Municpal Police Station (MPS), Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang naaresto na si Ernesto Marquez y Ibis, 40, may asawa, at residente ng Purok 2, Brgy. Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte.

Inaresto si Marquez kahapon, Mayo 8, 2017 dakong11:30 ng umaga sa nasambit na lugar ng personel ng Vinzons MPS  sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Oktubre 6, 2015 ni Judge Evan D Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte .

Nahaharap ngayon ang naturang suspek sa kasong Qualified Rape in Relation to Republic Act. 7610 (Child Abuse Law), sa ilalim ng criminal case number 17003.

Walang inirerekomendang piyansa ang korte para sa nasambit na paglabag at posibleng maharap ang suspek sa habang buhay na pagkakabilanggo.

Nasa kustodiya nan g Vinzons MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hinndi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *