OATH- TAKING AND PINNING OF RANKS CEREMONY PARA SA 283 NA MGA PULIS NG CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL OFFICE AT WALONG (PNP PERSONNEL MULA SA NATIONAL OPERATIONS SUPPORT UNITS (NOSU) NA NAPROMOTE SA MAS MATAAS NA RANGGO ISINAGAWA SA CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL OFFICE

OATH- TAKING AND PINNING OF RANKS CEREMONY PARA SA 283 NA MGA PULIS NG CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL OFFICE AT WALONG (PNP PERSONNEL MULA SA NATIONAL OPERATIONS SUPPORT UNITS (NOSU) NA NAPROMOTE SA MAS MATAAS NA RANGGO ISINAGAWA SA CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL OFFICE

Isinagawa ang Nationwide Simultaneous Oath-Taking and Pinning of Ranks Ceremonies ng mga kapulisan sa iba’t ibang Police Regional Offices nitong araw, Enero 10, 2023 sa ganap na ika-8 ng umaga kabilang dito ang mga kapulisan sa Camarines Norte Police Provincial Office na kung saan nasa 283 na mga Police Non-Commissioned Officers at 8 na PNP personnel mula sa NOSU ang na-promote at nanumpa sa mas mataas na ranggo para sa calendar year 2022 2nd Level Regular Promotion Program ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni PCOL ANTONIO C BILON, JR., Provincial Director kasama ng CNPPO staff officers na kung saan sila mismo ang naglagay ng mga panibagong insignia sa uniporme ng mga bagong napromote kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Sampu (10) sa mga ito ang napromote bilang Police Executive Master Sergeant, 22 bilang Police Chief Master Sergeant, 18 bilang Police Senior Master Sergeant, 12 bilang Police Master Sergeant, 109 bilang Police Staff Sergeant at 97 bilang Police Corporal.

Samantala, labing lima (15) na Police Commissioned Officers mula sa Camarines Norte Police Provincial Office naman ang nanumpa rin bilang Police Captain kasama ng iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang Police Provincial Offices sa Bicol Region na ginanap sa Camp Bgen Simeon A Ola, Legaspi City.

Ayon kay PCOL BILON, ang lahat ng mga na-promote ay sadyang karapat-dapat at kwalipikadong mga pulis kung kaya inaasahan niya na mas pagbubutihin pa ng mga ito ang kanilang dedikasyon at pagpupursige sa trabaho dahil kaakibat ng kanilang mga bagong ranggo ay ang panibagong hamon at mas mabigat na responsibilad bilang mga alagad ng batas.

Source/photo: CNPPO PIO