Pasado alas 11:45 ng gabi nitong Enero 21, 2022 nang maaresto ng mga otoridad na binubuo ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (ODRDO-RPDEU 5 Team Cam Norte as Lead Unit), MPDEU Talisay MPS, CNPIU, RID5-RSOU, PDEG-SOU5, Cam Norte 1st PMFC at ng 501st MC RMFB 5 ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa ikinasang High Impact Operation sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Buy-Bust Operation na isinagawa sa Purok 2, Barangay Sto Niño, Talisay, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Makoy”,37 anyos, isang driver at residente ng Sitio Banaba, Barangay Inchican, Silang,Cavite. Nakuha sa operasyon ang nasa higit kumulang 45 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang plastik na pakete, isang humigit kumulang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay din sa selyadong plastik na pakete, isang (1) kalibre 38 revolver na walang tatak at kargado ng apat (4) na bala na natagpuan sa belt bag ng suspek, isang (1) Yamaha Sniper na may plate no. 0401-337351 at ang buy-bust money na nagkakahalaga ng Php306,500.00 na binubuo ng isang tunay na limandaang piso nakasama ng ilang mga piraso ng boodle money.
Tinatayang nasa kabuoang 50 gramo ng hinihinalang iligal na droga ang nasamsam sa operasyon na may katumbas na halagang umaabot sa Php340,000.00 standard drug price. Isinagawa ang imbentaryo at pagmarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses.
Sa kasalukuyan ang suspek pati na ang mga ebidensyang nasamsam sa operasyon ay nasa pangangalaga na ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa naarestong suspek.
“Ang bayan ng Talisay ay tahimik at mapayapa. Ang mga mamamayan dito ay sadyang payapang namumuhay na matiwasay kung kaya’t ito ang pinapanatili ng lahat lalo na ng kapulisan na nagsisilbi dito katuwang ng iba pang ahensya ng gobyerno. Lahat ng programa para sa kapakanan ng karamihan ay maayos na inilalalatag at isinasagawa. Maging ang iba’t ibang operasyon kontra kriminalidad, droga at terorismo ay maayos na ipinapaabot sa komunidad kaya ang sinumang magtatangkang sirain o dungisan ang matiwasay na bayan ay tinitiyak naming dideretso sila sa kulungan’. -PMAJ DE VERA.
Source/photo: CNPPO PIO